𝐒𝐎𝐑𝐏𝐑𝐄𝐒𝐀 𝐍𝐈 𝐁𝐄𝐍 𝐁𝐈𝐓𝐀𝐆!

(𝐒𝐜𝐚𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐧𝐚 𝐆𝐅 𝐬𝐚 𝐋𝐞𝐲𝐭𝐞)

Natuldukan ang estilong pambubudol at panggo-ghost ng kolokay na ‘to nang sorpresahin siya ng BITAG kasama ang kaniyang nagrereklamong Filipino-Canadian.

Matapos makuhanan ng P280k ang boyfriend, hindi na nagparamdam. Nang tawagan namin sa programa, nag-inarte’t nagdrama pa sa ere.

Handa na sanang maging Ninong sa kanilang kasal si Ben BITAG, pero pati kami – muntik niyang budulin.

Panoorin muli ang “classic style” ng BITAG – kahit gaano kalayo ka pa, basta’t nanloko o nang-abuso ka ng kapwa at inireklamo ka sa aming tanggapan – SOSORPRESAHIN ka ng BITAG!