CLTV36, KATUWANG NI BEN BITAG AT NGO-IPABITAGMO KONTRA KRIMEN SA CENTRAL LUZON

February 25, 2026 – Opisyal na nagsanib-puwersa ang NGO-ipaBITAGmo Inc (IBMI),  BITAG Media Unlimited Inc. (BMUI) at Central Luzon Television Network Channel 36 (CLTV36) sa ngalan ng libreng serbisyo publiko.  

Sa pangunguna ng crime buster, volunteer at advocate na si Ben Tulfo, ipinakilala ang mga opisyal ng bawat organisasyon para sa iisang adbokasiya. 

Ayon kay IBMI- Executive Apple Meneses, layunin ng kolaborasyong ito na maabot ang mga Pilipinong may mga pangangailangan at sumbong sa buong Central Luzon. Sa pamamagitan ng CLTV36, maipaparating ang mabilisang komunikasyon sa organisasyon at sa publiko. 

Isa sa mga ikinakasang aktibidades ng NGO-IBMI, BMUI at CLTV36 ay outreach, public service at community service caravan sa iba’t-ibang probinsiya sa Central Luzon. 

“Malaki ang kontribusyon ng CLTV36 na maipaabot sa mga karatig-probinsiya ang anumang development o solusyon na naisasakatuparan sa isang lugar na inisyatibo ng pagkilos ng IBMI-NGO at BMUI,” ayon kay anti-crime at anti-corruption advocate Ben BITAG.

Dagdag ni Ben BITAG, “maaaring i-adopt ang mga solusyong ito ng mga bayan o probinsiyang may kaparehong hamon at problema.” 

Isang karangalan at bukas ang CLTV36 na maging kabahagi ng adbokasiyang ito ng IBMI-NGO. Asahan niyo ang full cooperation ng istasyon para sa kapakanan at serbisyo publikong para sa ating mga kapwa-Pilipino,” tugon naman nina Billy San Juan, COO at TV Operations Head William Canlas ng CLTV36.

Kasabay ng kolaborasyong ito ay ang pagbisita ng Perkins Twins, ang Gen-Z advocates duo na lumilibot sa iba’t-ibang paaralan sa Pilipinas. Adbokasiya ng Perkins Twins na ikampanya ang anti-bullying, anti-drugs at anti-vices sa mga kabataan.