“Papaano kung ikaw’y namatay bilang isang volunteer na frontliner sa panahon ng kalamidad? Anong mangyayari sa iyong pamilya na naiwan? Walang life insurance sa mapanganib na gawaing ito?”
“Sino sa mga national candidate na tumatakbo ang nagsusulong nito para sa inyo?”
Ito ang mga binitiwang salita ni Ben BITAG Tulfo sa kaniyang pagharap sa dalawang munisipalidad sa Nueva Ecija kung saan siya ay naimbitahan na tagapagsalita kahapon.
Sa dalawang bayan na naikot ng senatorial candidate na si Ben BITAG Tulfo ang Talavera at Rizal, iisa ang kaniyang mensahe, i-prayoridad ang kapakanan ng mga barangay volunteer sa buong Pilipinas, bigyan sila ng life insurance.
Mga barangay official, mga residente at mga estudyante ang dumalo sa mga nasabing pagtitipon.
Matatandaan kamakailan na agresibong isinusulong ni Ben BITAG Tulfo ang pagbuo ng Department of Disaster and Emergency. Ito ang hiwalay at bagong ahensya na tututok at mamamahala para magkaroon ng tama at agarang pagresponde sa mga sakuna, agarang pamamahagi ng mga relief goods kasunod ang rehabilitasyon sa mga nasalanta.
Subalit, ang mga ito’y mangyayari lamang sa tulong ng mga kawani ng NDRRMC na nasa ilalim ng OCD at ang mga sangay ng pamahalaan na makikipagtulungan, ang DILG at DSWD.
“Dapat bigyan natin ng dignidad at kahalagahan ang mga volunteer frontliner sa barangay, sa ilalim ng DILG at iba pang sangay. Karamihan sa mga volunteer sa barangay, tumatanggap lang ng allowance, hindi sweldo. Sa kasakuluyan, ang tinatanggap ng mga barangay tanod at iba pang mga volunteer, mataas na ang P1,000, kada buwan,” ayon kay Ben BITAG Tulfo.
“Kung loloobin ng Poong Maykapal, ito ang aking sisilipin at bibisitahin, ang mga kasalukuyang batas na nauukol sa disaster and emergency response. Ang kapakanan ng mga volunteer ang mahalaga sa akin dahil buhay nila ang nakataya,“ dagdag pa ng senatorial candidate.