“Pinatawad mo na, nasundan pa, kuwidaw ka!” (BUWAN NG KABABAIHAN)

DASMARIÑAS, CAVITE —  Binigyang-diin ni Ben BITAG Tulfo na walang sinumang pwedeng manakit babae man o lalaki sa loob ng tahanan o tanggapan — pisikal o verbal na pananakit man. 

Ito ang madiing mensahe ng ng senatorial candidate sa Dasmariñas, Cavite kaninang umaga matapos siyang imbitahan ni Mayor Jennifer Barzaga sa kanilang pagdiriwang ng National Women’s Month.  

“Pinatawad  mo sa umpisa, nasundan ng pangalawa, kuwidaw ka. Pangatlo, ipasuri mo na. Pag nasundan pa, ibalato mo na sa akin,” paglalahad ni Ben BITAG. 

Ibinahagi din ng tumatakbong senador na mahigit dalawang dekada na niyang adbokasiya ang paglaban sa mga inabuso, niloko, pinagsamantalahan at pinabayaan. Lahat din umano ng kaniyang mga sinasabi ay hango sa totoong buhay. Sila ang mga lumalapit sa BITAG Action Center. 

“Dahil International Women’s Day ngayon, sa anumang parte Pilipinas, at sa buong mundo, minamahal at ginagalang ang mga kababaihan. Dahil kung walang kababaihan, ‘di tayo dadami,” paliwanag ng senatoriable.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!