Tuturuan ko maging ‘watchdog’ ang taumbayan! -- Ben BITAG Tulfo     

CAGAYAN DE ORO, CITY — Hinikayat ni Ben BITAG Tulfo ang mga negosyante na myembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na manindigan at huwag matinag ilantad ang maling sistema.

Sa isang press conference, sinabi ni Ben BITAG Tulfo, “kapag walang magrereklamo, walang mabibisto! Walang masasampahan ng kaso! Kaya tuloy tuloy ang maliligayang araw ng mga dorobo.”

Sa pag-iikot ni Ben BITAG Tulfo simula noong nakaraang taon mula Cagayan De Oro City, Cebu at Maynila, mga myembro ng PCCI, may problema sa pagpapatupad ng ‘The Ease of doing Business” — Republic Act 11032.

Ayon sa mga negosyanteng lumapit sa senatorial candidate na ayaw lumantad, ayaw nilang mabansagang ‘trouble maker’ at mapag-initan ng lokal na pamahalaan kung nasaan ang kanilang negosyo.

Sa sumbong ng ilang mga negosyante, ayaw nilang maperwisyo kaya minabuti nalang manahimik at tanggapin ang maling sistema.

Ang sagot naman ng senatorial aspirant, “evil triumphs when good men do nothing. Kapag nanatili ang ganitong klaseng sistema, pamumugaran na tayo ng mga dorobo sa mga tanggapan ng gobyerno.”

Pabiro, pero may laman ang tanong ni Ben BITAG Tulfo sa mga local media. Kung kilala nila sa loob ng mga tanggapan ‘yung mga “Korean” – as in ‘…ko’riyan.’ Maging sila “Patty” as in ‘Pati’ at sila “Eddie” – as in “E’di..”

Tugon ng mga local press, “sino sila, Sir Bitag?”

Yung “Korean” – as in ‘Magkano ako’riyan?’

Si “Patty” – pati ako, pati siya, pati kami isama mo riyan.”

Si “Eddie” noong araw pa, ang lagay sila lang? Papaano si Eddie? Sino si Eddie, E’di ako!

Seryoso si Ben BITAG Tulfo, na kapag siya’y nahalal sa Senado na magbubuo siya ng mga regional watchdog sa tulong ng mga media na pangungunahan ng kaniyang tanggapan sa Senado.

Ito’y para sanayin ang taumbayan na magbantay kung sino ang mga abusado, mapagsamantala, manloloko at pabaya sa kanilang tungkulin sa mga tanggapan ng pamahalaan – lokal man o nasyunal.

Ayon kay Ben BITAG Tulfo, “Bibigyan ko ng lakas ng loob ang mga watchdog. Itatago ko ang kanilang mga pagkakakilanlan. Kapag nakumpleto ko ang mga ebidensya laban sa mga “Korean”, “Patty” at “Eddie” magsasagawa ako ng imbestigasyon.

Dadalhin ko sa Senado sa pamamagitan ng privilege speech, inquiry at investigation. Panagutin ang mga dorobo dahil sapat ang mga batas laban sa mga kurakot.

Babala ni Ben BITAG Tulfo sa Bisaya: “Lapit na mahuman ang inyong mga malipay na mga adlaw!” (Malapit na matapos ang inyong maliligayang araw!)

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!