Social media sanhi ng depression, mental health issue

CANDABA, PAMPANGA — Sa panahon ng digitalization, social media ang pangunahing dahilan ng depresyon na nauuwi sa mental health issue ayon sa batikang investigative journalist na si Ben BITAG Tulfo.

Sinabi ito ni Ben BITAG Tulfo sa isang pagtitipon ng mga mag-aaral sa Candaba, Pampanga kamakailan na dinaluhan ng 2,500 na mga high school at college student na pawang mga scholar ng lalawigan.

“Sino sa inyo ang gumagamit ng cellphone habang kumakain? Sa halip na nakikipag-engage ka sa magulang mo, umiikot na sa cellphone ang buhay mo? Kaya yung ibang mga anak na mahihirap, kinukumpara nila ang buhay nila sa mga mayayaman dahil hindi nila makuha o mabili ang mga nakikita nila sa social media. Ang ending — sisisihin nila ang mga magulang nila — kasalanan pa ngayon ng mga magulang nila dahil salat sila sa buhay. ‘Yan ang cause of depression that leads to mental health issues,” paliwanag ng senatorial candidate.

Dagdag pa ni Ben BITAG, bukod sa pangamba ng depresyon, palaruan din ng mga masasamang loob ang social media kaya dapat maging mapagmatyag

“Mag-ingat kayo sa paggamit ng social media, sa digital world. ‘Pag ginamit nyo ang social media, madali kang matuto pero madali ka ring mabitag ng mga manloloko at abusado,” saad pa nito.

Samantala, binigyang-diin din ni Ben BITAG ang kahalagahan ng scholarship na iginawad ng lalawigan ng Candaba sa mga mag-aaral.

“Kung kayo’y binigyan ng prebilehiyong mag-aral, ‘wag ninyong sasayangin. Your direction will determine your destination. Kayo ang susunod na mga henerasyon,” paliwanag pa ng tumatakbong senador.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!