BALIWAG, BULACAN — Gustong pag-aralan ni Ben BITAG Tulfo ang kasalukuyang Solo Parents Act na ipinatutupad ng pamahalaan sa bansa.
Sa isinagawang pagbisita ni Ben BITAG sa Baliwag, Bulacan, personal niyang narinig ang mga hamon ng mga solo parent hinggil sa pagpo-proseso ng kanilang mga benepisyo.
Sinabi naman ng senatorial frontrunner na aalamin at pag-aaralan niya ang mga prosesong ipinatutupad at ang mga naaayon na solusyon sa kanilang mga konsern.
“Ang hamon ninyong ito sa Baliwag ay hindi lang dito sa inyong lugar. Sumasalamin ito sa mga totoong hamon ng mga solo parent sa buong bansa. Pag ako ay naupo sa Senado, tututukan ko ‘yan” paglalahad ng beteranong mamamahayag,
Kasama rin sa mga kinumusta ni Ben BITAG ang mga senior citizen sa lalawigan. Ayon sa kaniya, dapat ipatupad ang welfare check bilang bahagi ng pag-aaruga sa mga mga matatanda.
Samantala, binati ng senatorial frontrunner ang mga lider sa Baliwag, Bulacan dahil sa maayos nilang pamamalakad sa kanilang lungsod at pagbibigay serbisyo-publiko.
“Maunlad na ang Baliwag, malayo na ang narating dahil sa mga lider ninyo. Sa pagpili ninyo ng mga lider ninyo, lagi ninyong tingnan ang kanilang track record, ang resulta. Dapat transparent sila sa kanilang mga ginagawa,” pagliwanag niya.
“Kung nagagawang bumaba ng mga lider ninyo sa bawat barangay, sana gawin din ito ng ibang mga lider sa mga lokal na pamahalaan sa bansa,” dagdag pa ng senator aspirant.