Ben BITAG Tulfo, binisita mga Pinoy sa Hong Kong

HONG KONG — Muling dinalaw ni Ben BITAG Tulfo ang mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong.

Ito ay matapos imbitahan ng mga OFW ang batikang media personality bilang isa sa mga panauhing pandangal para magbigay inspirasyon habang malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay sa isang year-end activity kamakailan.

‘You are so lucky. Itong Pasko na ito, pasalamat tayo sa Poong Maykapal, sa Panginoong Diyos. Salamat naman at hindi ko kayo nakikita na malungkot at na-ho-homesick,’ ani BITAG.

Hinikayat din ni Ben BITAG Tulfo ang mga kababayan nating OFW na huwag magdalawang-isip na lumapit sa kaniyang tanggapan kung nakakaranas sila ng mga pang-aabuso at pananamantala.

Ayon sa senatorial aspirant, ang ibig sabihin ng kaniyang apelyido na TULFO ay pagtulong, kilos at aksyon.

“Sinisiguro namin ang kapakanan, yung kalagayan ninyo at mga estado ninyo sa bansang ito o pagdating sa Pilipinas, madali kami lapitan, puntahan at umaksyon. Hindi kami nangangako, ginagawa na lang namin,” saad ni BITAG.

Ito na ang ikalawang pagbisita ni Ben BITAG Tulfo sa mga kababayan nating mga OFW sa Hong Kong. Hunyo 2024 nang una siyang lumipad sa nasabing bansa para puntahan ang kanilang sektor.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!