Nakikita natin sila! Karamihan sa atin, ayaw natin silang pansinin. Dire-direcho lang ang ating tingin na parang wala tayong nakikita. Kaya maituturing silang mga INVISIBLE PEOPLE.
Ngayong Pasko at mga Paskong darating, pagtuunan natin sila ng pansin at isipin ang kanilang kalagayan.
Mapalad tayo. Tumingala tayo sa langit sa Diyos. Pasalamat tayo sa Diyos pero tayo ang aakay sa kanila. Kahit papaano, maitawid ang kanilang pangangailangan. Ibahagi natin ang grasyang ipinagkaloob sa atin sa abot ng ating makakaya.
Kayo mga Boss, naiiisip niyo ba sila? Ang Pasko ay para sa kanila.