“Preserve Chavacano language” – Ben BITAG Tulfo

ZAMBOANGA CITY – Isinusulong ngayon ni senatorial candidate Ben BITAG Tulfo na pangalagaan o i-preserba ang salitang Chavacano sa Zamboanga City.

Ayon kay Ben BITAG Tulfo, unti-unti nang naglalaho ang salitang Chavacano sa mga batang henerasyon na naninirahan sa Zamboanga City. 

Kabilang ang mga lugar na ginagamit ang salitang Chavacano ang Basilan, bahagi ng Sulu at Tawi-Tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte, maging ang Ternate, Cavite sa bahagi ng Luzon. 

Isiniwalat ng tumatakbong senador ang mga sumbong ng ilan sa mga magulang ng mga mag-aaral sa elementary at high school sa Zamboanga City. Ipinagbabawal umano ang salitang Chavacano sa loob ng mga pribadong paaralan. English language nalang daw ang gamitin.   

“I find it insulting when they say that Chavacano is a broken Spanish. No, it is not. It’s an amalgamation of Spanish and Filipino dialects. It must be preserved. Efforts must be initiated aggressively by the Commission on the Filipino Language to preserve the Chavacano language. Otherwise, it will be extinct,” saad ng tumatakbong senador.  

Dagdag pa ni Ben BITAG Tulfo, “the active participation of the local government is a must, the Department of Education (DepEd) and the Commission on the Filipino Language to preserve the Chavacano language.” 

Paglalahad pa nito, “Simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, gamit pa rin naming mga magkakapatid ang salitang Chavacano.”

“Noong bata pa kami, nasa elementarya palang, naririnig namin sa radyo ang mga announcer at mga guest nila. Ang salita nila, 80% Spanish at 20% may halong local dialects. Nabibighani kami dahil sa tunog nito.”

“It’s sad that Chavacano is now starting to vanish in the next generation. It’s about time to do something about it. The action begins now!”

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!