BINATO NIYA NA NILUSOB NIYA PA BAHAY NI LOLA, PINAGTATAGA NIYA!

Dito kumukulo ang dugo ng BITAG. At kahit sinong matino ang pagi-isip, baka pumutok ang batok sa galit kapag napanood niyo ‘to!

Kapag ang isang tao, labis mong inapi, inabuso, tinakot at pinagbantaan – maghahanap ng tagapagtanggol.

Lagi naming sinasabi sa BITAG —– “kahit ilang bundok, aakyatin… ilang ilog, tatawirin… makaabot lang ang kaniyang sumbong sa kaniyang tagapagtanggol.”

Kolokoy na Kapitan – obob na, balat-sibuyas pa. IPINAGTATANGGOL ang kaniyang siraulong kapatid na NAMATO, LUMUSOB, NANAKOT at pinagtaTAGA ang bahay ng lola.

Ang kawawang lola, nagbiyahe ng 10-oras mula Capalonga, Camarines Norte makaabot lang ang sumbong sa BITAG.

#BITAG #fear #equalizer #bentulfo