P300k – Matris Mo Uupahan
BAWAL ang surrogacy sa Pilipinas. Sindikatong klinika sa Florida, Pampanga, nalantad dahil sa nakatakas na biktima.
Pananamantala sa kasalatan sa pangangailangan ng mga biktimang kababaihan. Panloloko, pananakot at pagbabanta sa pamilya ng biktimang tumakas.
Siyam na buwan daw uupahan ang matris ng biktima para magbuntis. P300k ang bayad. Hindi masikmura ng biktima.
Ang artificial insemination, pamamaraan na ginagamit sa mga farm animals. Sa segment na ito, mamimili yung ama na may-ari ng similya sa pila ng mga babaeng kaniyang mapipili sa klinika.
Sapilitan siyang pinapatalik sa motel kaya tumakas ang biktima.