Nasugbu, Batangas, Binisita ni Ben Bitag Tulfo

Bilang parte ng kaniyang Reaching Out and Listening Tour, inalam ni BITAG ang kalagayan ng ating mga kababayan sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga hinarap ni BITAG ng ilang mga barangay officials, health workers at volunteers, mga mangingisda at maging mga parokyano ng isang pasyalan sa Nasugbu.

“Mas mahalaga na mayroon kaming napapakinggan sa inyo. Kasi kayo mga totoong tao,” ani BITAG.

Sa nasabing pagbisita ay nagkaroon pa ng mas malalim na kaalaman si BITAG sa mga hamon na kinakaharap ng mga volunteers at Barangay workers ng bansa.

“Hindi kami marunong mang-iwan. Wala sa dugo ng BITAG yung iiwan kayo, tatalikod kasi kasama kami sa totoong pangyayari,” dagdag ni BITAG.

Kabilang sa mga binisita ni BITAG ang Barangay Wawa, Brgy. Poblacion 11, Brgy. Poblacion 12 at Brgy. Lumbangan.

Ang Reaching Out & Listening Tour ni BITAG ay regular na nitong ginagawa sa maraming panig ng bansa simula nang itaguyod nito ang kaniyang Action Center sa Quezon City.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!