Mga estudyante, LGU officials ng Pagadian City, pinaalalahanan ni Ben BITAG Tulfo kontra iligal na droga

PAGADIAN CITY — Inimbitahan bilang panauhing pandangal si Ben BITAG Tulfo sa Drug Abuse Prevention and Control Week 2024 (DAPC) ng Pagadian City, Zamboanga Del Sur na ginanap sa lungsod kamakailan.

Kaharap ang mahigit 1,500 na mga mag-aaral at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, binigyang-diin at ipinaunawa ng senatorial aspirant ang masamang dulot ng iligal na droga sa kanilang kalusugan at kinabukasan.

Ayon kay Ben BITAG Tulfo, malaki ang papel na ginagampanan ng komunidad para matagumpay na maisakatuparan ang paglaban kontra ilegal na droga.

“We have to teach the community to see what’s going on. Rehabilitation is the effect of the problem which hand in hand do not forget the operational aspect about these drug problems. Prosecute those who are behind them. Rehabilitate the victims. In totality, both sides, law enforcement and rehabilitation must go hand in hand,” paliwanag ni Ben BITAG Tulfo.

Samantala, pinuri naman ni Ben BITAG Tulfo ang lokal na pamahalaan ng Pagadian City sa patuloy na progreso ng lungsod.

Bago ang pagtakbo sa Senado, marami nang mga matagumpay na operasyon kontra iligal na droga ang naisakatuparan ni Ben BITAG Tulfo at ng BITAG Multimedia Network (BMN).

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!