DASMARIÑAS, CAVITE — Patuloy na isinusulong ni Ben BITAG Tulfo ang pagkakaroon ng welfare check sa mga senior citizen.
“Karamihan sa mga senior citizen, naiiwang mag-isa dahil ang kanilang mga anak nasa trabaho,”paliwanag nito.
Ayon kay Ben BITAG Tulfo, dapat maging kabahagi ng serbisyo ng lokal na pamahalaan ang welfare check sa mga matatanda. Muling binigyang-diin ito ng tumatakbong senador sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa Dasmariñas, Cavite kaninang umaga.
“Malungkot ang buhay ng mga senior citizen dahil naiiwan sila sa kanilang mga tahanan. Kasi minsan ang mga senior citizen nakakalimot nang kumain, uminom ng gamot at naiiwan sa bahay,” paglalahad pa ng senatoriable.
Sa kaniyang Action Center, maraming mga matatanda o senior citizen ang nagsusumbong at lumalapit kay Ben BITAG, inilalabas ang kanilang damdamin at hinaing.
Ang welfare check ay isang uring serbisyo na dapat maging bahagi ng barangay. Silipin ang kalagayan ng mga matatanda, lalo na ang mga nag-iisa sa kanilang tahanan na malimit nakakalimutang uminom ng kanilang maintenance medicine at kumain sa tamang oras.
Ayon kay Ben BITAG, dapat serbisyo ng barangay na paalalahanan ang mga senior citizen.