“MAGKASANGGA SA KATOTOHANAN, PAGBIBIGAY-HUSTISYA AT LIBRENG SERBISYO PUBLIKO”

March 02, 2026 – Nakiisa si Ben BITAG Tulfo kasama ang Non Government Organization na IpaBitagmo Inc. (NGO-IBMI) para bisitahin ang opisina ng Public Attorney’s Office (PAO). 

Ang pagbisita ay pormal na paga-anunsiyo ng pagtutulungan ng tanggapan ng PAO at NGO-IBMI.

Mahigit  dalawang dekada nang adbokasiya ng anti-crime at anti-corruption advocate na si Ben BITAG ang ang tumayo para sa mga biktima ng pang aabuso, pananamantala at pagpapabaya. 

Gayundin si PAO Chief Dr. Persida Rueda-Acosta na mahigit tatlong dekada nang nagseserbisyong-legal ng libre bilang hepe ng pangunahing tanggapang legal ng gobyerno. 

“Matagal nang magkasangga si Ben BITAG, ang kaniyang programang BITAG sa telebisyon. Lahat ng klase ng panga-abuso, panga-api o anumang kaso na nangangailangan ng legal assistance. Ngayong may NGO-IBMI na, ay ipadala lamang ang mga referrals sa tanggapan ng PAO para agaran kaming maka-aksiyon,” paliwanag ni Dr. Acosta.  

Dagdag ni Dr. Acosta, “No man is an island. Kailangan naming makipagtulungan sa iba’t-ibang organisasyon tulad ng media, NGO at community groups para mas maging epektibo ang serbisyo para sa mga mahihirap at nangangailangan nating mga kababayan.”

Paalala ni Dr. Acosta, “libre po ang serbisyo ng Public Attorney’s Office, maaaring dumiretso sa aming tanggapan para sa iba’t-ibang serbisyong legal. O maaari ding lumapit sa mga katuwang naming organisasyon katulad ng BITAG at NGO-IBMI. Hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang katarungan.”