Full insurance ng mga tricycle driver, isusulong ni Ben Bitag Tulfo

APALIT, PAMPANGA — Isa sa mga gustong isulong ni Senatorial aspirant Ben Bitag Tulfo ang libreng full insurance coverage para sektor ng mga tricycle driver sa bansa.

Sinabi ito ni Ben BITAG sa kanyang ginawang pagbisita sa Apalit, Pampanga sa kamakailan kung saan siya mismo ang nakarinig ng mga hinaing, hamon at sitwasyon ng mga tricycle driver sa lalawigan.

“Masaya ako na nakita ko kayo ngayon. Alam na alam ko ang problema ninyo. Naiintindihan ko ang problema ninyo at dapat may kaakibat ‘yan na solusyon. ‘Yung nababasa ninyong ‘Ilalaban ka di ka iiwan’ hindi ‘yan slogan, ginawa na namin yan, ginagawa na namin at patuloy pa naming gagawin,” paliwanag ni Ben BITAG Tulfo.

Maliban sa full insurance, malakas din ang panawagan ng mga Cabalen sa bayan ng Apalit na magkaroon ng isang representante sa Senado na totoong malalapitan lalo na sa panahon ng kanilang kagipitan.

“Hindi ako nangangampanya. Dumaan lang ako para sabihin sa inyo na mayroon kayong takbuhan, si BITAG,” pagtitiyak ng senatorial frontrunner.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!