LABIS NA PANANAMANTALA! LABIS NA PAGPAPABAYA!

Ang National Commission for Indigenous People ay maituturing na walang pangil na protektahan at mapreserba ang mga katutubong Aeta natin sa Pampanga.

Pinipilit silang ibenta ang kanilang “ANCESTRAL DOMAIN” na lupain sa mga Koreano sa tulong ng mga mapagsamantalang opisyales ng LGU ng Mabalacat, Pampanga.

Ang kanilang representateng Indigenous Peoples’ Mandatory Representative (IPMR) ang siya mismong gumaganap na parang ahente ng lokal na pamahalaan o LGU sa ilalim ng DILG.

Humihingi sila ng saklolo sa BITAG Next Generation. Ito ang 2-part series ng aming documentary-reality investigation.

Panoorin: