HINDI magpapahuli ang ilang politiko kung eksplosibong, eksklusibong, exposé ang pagu-usapan. Take note, hindi sila mga mamamahayag, hindi mga media practitioners kundi politiko.
Numero uno – Ombudsman Boying Remulla. Nakakatawa naman ang kaniyang pasabog hinggil sa ICI arrest warrant ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa. Ang kaniya raw mga pahayag ay bilang isang ’journalist’ sa sarili niyang programa sa radyo. Really now?!
Aniya, may kopya na raw siya ng arrest warrant ni Sen. Bato. Na-scoop daw niya. W-O-W scoop! Proud pa siya at naunahan pa raw niya ang media. Eh di claps on you Ombudsman Boying.
Ang lagay eh, porke nakakapagsalita ka sa ere, may mikropono ka, may ilaw at kamera— journalist ka na?
Shame on you, Mr. Ombudsman. Abogado ka, dati kang Department of Justice (DOJ) Secretary, but you will never be a journalist.
Paalala lang, wala ka sa fourth estate. Kung gusto mo talaga sa media, siguro alis ka na diyan sa Ombudsman.
Eto pang isa, si Senator #13 este si Sen. Imee Marcos. Pinangunahan ang Senate Blue Ribbon Committee (SBRC) na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson. Ibinulgar agad niya sa media na magre-recant daw ang mga magsasalitang testigo sa SBRC hearing.
Babaligtad daw lahat ng testigo sa kanilang mga testimonya patungkol sa imbestigasyon ng maanomalyang ghost flood control project. Ang dahilan, pamemressure, pananakot at panggigipit sa kanilang pamilya.
Manang, masyado naman yatang matabil ang dila natin. Bakit ‘di mo muna hinintay ang senate hearing para doon ka nag-ingay at tanungin ng harapan ang mga testigo.
Totoo man o hindi, hinayaan mo na sanang magsalita ang dapat magsalita. Hindi porket naka-scoop ka rin, spoiler ka na. Basag-trip ka eh, killjoy, inalis mo yung ‘element of suspense’ para sa mga nag-aabang ng hearing.
Hindi yata alam nitong dalawa ang mga salitang parliamentary courtesy at decorum. Lalo ‘tong si Sen. Imee, binastos, wala ng respeto sa BRC Chairman at sa mga kapwa senador.
Gusto lang nitong dalawa — si Boying at Imee puro pasabog, gusto yata sila palagi ang bida sa media. Nagmumukang paepal.
Mr. Ombudsman at Senadora, diyan lang kayo sa mga opisina niyo. Hindi kayo journalist, wala rin kayo sa media at showbiz. Eh kung gusto niyo talaga na laging magpasabog at magpaunahan sa scoop, mag-resign na kayo sa mga posisyon niyo ngayon.