Standardized compensation ng BHWs, hiling na matutukan; Mental health ng mga kabataan, pinangangambahan

CANDABA, PAMPANGA — Nananawagan ang mga Barangay Health Worker (BHW) na mabigyan ng pansin ang kanilang sektor at gawing institutionalized ang kanilang compensation o sahod.

Mismong si Dra. Preny Manimbo, Municipal Health officers Head ng Candaba, Pampanga ang naglapit nito kay Ben BITAG Tulfo noong bumisita ang batikang investigative journalist sa lalawigan, kamakailan.

“Ang tanong at hiling lang po ng mga BHW, sana gawing institutionalized ang kanilang organisasyon at pasweldo sa mga barangay health workers. Nakakaawa po ang kalagayan ng ating mga BHW,” paglalahad ni Manimbo.

Ayon kay Ben BITAG Tulfo, isa ito sa mga tutukan at gusto niyang pag-aaralang lehislasyon sa Senado. Ito rin umano ang mga hinaing ng mga BHW sa iba’t ibang lugar sa bansa na nauna na niyang nabisita.

Sa kasaluyan, pasado na sa third reading sa Senado ang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHW). Layunin ng panukalang batas na maibigay ang benepisyo ng mga BHW. Peo ayon kay Ben BITAG Tulfo, gusto niya itong pag-aralang mabuti.

Maliban sa standardized compensation ng mga health worker, inilapit din ng konseho ng Candaba na mapag-ukulan ang kapakanan ng mga tanod.

Samantala, nababahala naman ang mga Sangguniang Kabataan (SK) ng lalawigan sa mental health ng mga kabataan. Social media ang itinuturo nilang pangunahing dahilan ng problema.

“Social media causes depression. Kaya dapat maging matalino ang mga kabataan sa paggamit ng social media. Kung ano ang nakikita nila sa social media, gusto nila mayroon din sila. Kung hindi nila makuha o mabili dahil mahirap lang ang kanilang magulang, nahuhulog sila sa depresyon which leads to mental health problem. Sila ang dapat paalalahanan,” paliwanag ng batikang mamamahayag.

Binisita ni Ben BITAG Tulfo ang lalawigan bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ng lokal na pamahalaan ng Candaba.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!