Kick-off Campaign Rally ni Senatorial Candidate Ben Bitag Tulfo Isinagawa sa Brgy. Sauyo, Quezon City

SAUYO, QUEZON CITY — Maagang dumagsa ang mga tagasuporta ni senatorial candidate Ben BITAG Tulfo sa kanyang kick-off campaign rally na ginanap sa Brgy. Sauyo, Quezon City noong Pebrero 11, 2025.

Iba’t ibang sektor ang nagpakita ng kanilang suporta, kabilang ang mga senior citizen, health workers, persons with disability (PWD), mga miyembro ng TODA, solo parents, Muslim community, at mga vendor na naniniwala sa paninindigan ng nag-iisang BITAG ng bayan.

Ayon kay BITAG, bagama’t apat silang magkakapatid sa politika, iisa lamang ang dumadaloy sa kanilang dugo — ang magsilbi sa bayan sa pamamagitan ng pakikinig, pag-unawa, at pag-aksyon sa mga suliraning inilalapit sa kanila.

Sa kabila ng pambabatikos at pagkuwestyon sa kanyang kakayahan, tiniyak ng beteranong brodkaster na dala niya ang kanyang tapang at malawak na karanasan upang ipagtanggol ang mga naaapi at pinagsasamantalahan.

Dagdag pa ni BITAG, kung pagkakalooban siya ng pagkakataong magsilbi sa Senado, tututukan niya ang ease of doing business at sisiguraduhing marami siyang mabibitag. Ilalantad din niya ang mga mapagsamantala, lalo na sa cyberspace.

Binigyang-diin din niya sa mga senior citizen ang pangangailangan ng masusing pagsusuri upang maiwasan ang pang-aabuso sa matatanda.

Giit ni BITAG, ang kailangan sa Senado ay isang lider na may tapang at matibay na paninindigan, na handang lumaban at kayang banggain ang lahat para sa kapakanan ng mamamayan.

Aniya, mas madali niyang matutugunan ang mga problema ng mga kababayan kapag nasa Senado na siya, dahil magkakaroon siya ng kapangyarihang gumawa ng mga batas na makakatulong sa publiko.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na huwag iboto ang mga kandidatong puro ingay ngunit mahirap lapitan sa oras ng pangangailangan.

Sinabi ng future senator na kahit nasa Senado na siya, hindi siya titigil sa paglaban para sa karapatan ng bawat Pilipino, ilalaban niya tayo at hindi iiwan.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga taga-Quezon City si Tulfo at nanawagan sa publiko na suportahan siya, upang maitala sa kasaysayan na ang susunod na senador ay nagmula sa Distrito 6.

Lubos na ikinatuwa ni Bitag ang buong pwersang suporta na ipinakita sa kanya ng kanyang mga tagasuporta.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!