Ben BITAG Tulfo nakisalamuha sa mga Seniors ng Maynila

MANILA — Personal na binisita ni Ben BITAG Tulfo ang mga senior citizens ng Lungsod ng Maynila sa isang pagtitipon kamakailan na pinangunahan ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Kabaligtaran sa nakasanayan nang imahe na matapang at palaban, nakita ng mga taga-Maynila ang makulit at palabirong pagkatao ni BITAG na lubos na ikinatuwa ng mga dumalo sa pagtitipon na ginanap sa isang mall sa Maynila.

Ibinahagi din ni BITAG ang kaniyang matagal nang gawain na pagtulong sa mga senior citizens kasabay ng pagtitiyak nito ng mas pinaigting pa na pagtulong sa mga seniors ng bansa.

“Palakasin, paigtingin yung kalagayan at sitwasyon ninyo. Kapakanan ninyo,” bigkas ni BITAG.

Binanggit din ni BITAG ang kaniyang kagustuhan na makasama si Moreno sa mga plano nito na pagtataguyod ng karagdagang proyekto para sa mga senior citizens ng Maynila maging sa buong Pilipinas.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!