Ben Bitag Tulfo, Pinag-iingat ang mga Mag-aaral sa Deepfake

MALOLOS, BULACAN – Dinaanan ni Ben BITAG Tulfo ang isang event ng mga mag-aaral sa Malolos, Bulacan kaninang hapon. Ang nasabing aktibidad, dinaluhan ng tinatayang 5,000 na mga estudyante sa lungsod.

Hindi agad nakapagsimulang mag-speech si Ben BITAG Tulfo dahil masyadong na excite ang mga junior at senior high school at matagal bago kumalma.

Ang mensahe ni Ben Bitag Tulfo, mag ingat sa mga deepfake kung saan gamit ang artificial intelligence (AI) —- ibig sabihin nakokopya ng mga scammer sa pamamagitan ng AI ang mukha, boses at hitsura ng isang indibidwal.

Ayon kay Ben BITAG Tulfo, ang karamihan na pinupuntirya ng nga scammer ang mga social media account tulad ng Tiktok, Instagram, YouTube at Facebook —- kung saan madaling mapaniwalain ang mga estudyante.

Kamakailan, isang billionaire tycoon dito sa bansa ang nabiktima ng deepfake. Hinikayat umano ng nga scammer ang publiko na mag invest sa isang negosyo. Ikinagalit at pinasinungalingan ito ng isang kilalang taipan.

“Karamihan na pinupuntirya ng mga scammer ang mga social media account tulad ng Tiktok, Instagram, YouTube at Facebook kung saan madali kayong mapaniwalain,” dagdag pa nito.

Ayon sa investigative broadcast journalist na tumatakbo sa pagka Senador, maging mapanuri, mag ingat. Kaya dapat listo ang nga magulang, guro at mga opisyales ng pamahalaan sa teknolohiyang ginagamitan ng AI.

Dagdag pa ni Ben Bitag Tulfo dapat protektahan at maging agresibo ang pamahalaan at mga awtoridad na pag-aralan kung papaano matukoy ang mga deepfake.

“Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat,”

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!