HIRAP NA, LUGI PA BINUDOL, TINAKBUHAN PA

Nakakadurog ng puso! Nakakagalit! Mahirap ang buhay-magsasaka. Napapabayaan na, pinagsasamantalahan pa ng mga dorobong palay traders at buyers.

Sa hapag-kainan natin, ‘wag natin sayangin ang bawat butil ng kanin mula sa palay. Gusto natin murang bigas pero ang kumikita – mga sindikatong rice traders.

Dahil tatanga-tanga ang ilan sa mga LGU na dapat binabantayan ang kapakanan ng mga magsasaka. Labas-masok lang ang mga dorobong trader, hinahakot ang ani ng mga magsasaka’t pinagsasamantalahan.

Buong episode, panoorin sa BITAG Official Youtube channel.