Halimaw ng tahanan, ipa-BITAG nyo

QUEZON CITY — Hinikayat ni senatorial aspirant Ben Bitag Tulfo ang lahat ng mga kababaihan na nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga tahanan at tanggapan na ilapit sa BITAG.

Sinabi ito ni Ben BITAG Tulfo sa kick-start at unang araw ng National Women’s Month celebration ng Quezon City kagabi. Sa datus ng lungsod Quezon, tinatayang 6,000 kababaihan mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa aktibidad.

Binansagan ni Ben BITAG Tulfo na “halimaw ng tahanan” ang mga abusado’t mapagsamantala. Hinikayat niya ang mga kababaihan na magreklamo at huwag tahimik na magdurusa, tinitiis ang mga karahasan sa loob ng tahanan o tanggapan.

“Maraming mga kababaihan ang nagtitiis. Nagdurusang tahimik. Kapag kayo’y nakaranas ng mga pang-aabuso ng inyong mga mister, boyfriend, ilapit agad ninyo sa ang aking tanggapan,” ayon kay Ben BITAG.

“Kapag ako’y naluklok sa Senado, pakikinggan ko kayo ay makikinig pa rin ako sa inyo. Sapat ang mga batas natin. Pero kapag ang biktima ay hindi magrereklamo, walang masasampahan ng kaso, walang mabibisto,” dagdag pa nito.

Sa loob ng dalawampu’t tatlong tatlo, tuloy-tuloy ang adbokasiya ng BITAGna ipaglaban ang mga inabuso, pinagsamantalahan, niloko at mga pinabayaan.

“Lahat ng mga biktima ng pang aabuso sa pamilya, tanggapan, lansangan, ituro nyo, ibalato nyo sa amin, tatrabahuhin namin. Ginawa na namin at gagawin pa namin. Ilalaban ka, di ka iiwan,” pagtitiyak pa ng batikang investigative journalist.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!