Hindi siya pipichuging siga. Nakabaril at napatay niya ang kaniyang biktima. Asal terorista sa kanilang komunidad. Dati siyang jailguard at konektado umano sa Munisipyo.
Suki na siya ng Barangay sa panggugulo, pambubugbog, pananakot, panunutok at pagpapaputok tuwing nalalasing. Untouchable at above the law ang tingin sa kaniya sa kanilang komunidad.
Mga pulis noon hanggang ngayon, palaisipan ang putok sa buhong siga na ‘to. Bata daw siya ng Gobernador at ni Mayor.
Ayon sa mga residente, siya umano ang nasa likod ng mga iligal na pasugalan. Marami siyang mata’t tenga, runner sa lugar.
Sa balwarte niya, eyeball to eyeball sana, gusto siyang makita ng BITAG. Kaya lang….panoorin niyo na lang sa Bitag Official Youtube Channel.