Bagamat naisabatas na ang Republic Act 12010 o ang Anti-Financial Account Scams Act (AFASA) noong 2024, bakit tila walang pangil ito at patuloy pa ring dumadami ang mga biktima na nawawalan ng pera sa bangko.
Bakit tila inutil ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagprotekta sa pera ng taumbayan?
Inimbitahan ang BITAG sa House Committee on Banks and Financial Hearing para ilapit ang mga biktima na patuloy pa ring nawawalan ng pera sa kanilang mga bank accounts.