SA VISAYAS NIRECRUIT, SA ISLA SA JOLO, SULU NAGING BIHAG

Nakakakilabot ang matinding karahasan at pananakit sa mga biktimang inabuso’t hinalay.

Ginawa silang mga bihag sa maliit na isla ng Tubalubac, apat na oras ang biyahe sa barko mula sa Jolo, Sulu.

Walang anumang uring komunikasyon tulad ng cellphone, maliban sa hand held radio gamit ng mga suspek na nagbabantay sa kanilang mga bihag o biktima.

Ilan sa mga biktima, kasama ang kanilang asawa’t anak, naging bihag sa isla ng 7-hanggang 13-taon.