Ang 15-anyos na binatilyo na PWD, may intellectual disability, binugbog ng ex-lupon.
Ang teargas na napulot ng PWD, akala niya body spray. Ini-spray niya sa katawan, humapdi daw agad ang kaniyang mga mata at ilong kaya tinapon niya ito.
Pinulot ng mga kasamahang binatilyo. Napagkatuwaan nilang i-spray sa hangin. Si PWD ang sinisi’t pinagbuntunang bugbugin ng dating Lupon ng Barangay.
Hindi ito ang unang beses sinaktan siya ng ex-lupon. Kahit alam niya na may kapansanan ito.
Inilapit sa BITAG ng pamilya. Si ex-lupon, nangakong magpapakita sa Barangay. Dalawang oras nag-antay ang BITAG, hindi siya sumipot.
Kaya, ang BITAG – pinuntahan siya sa bahay at kinatok upang kumprontahin at pagsabihan sana.
#PWD #intellectualdisabilities