TACLOBAN — “Ang importante ay kung papaano naibangon ng Tacloban… iyong katatagan, resiliency. Krisis ‘yun, maraming namatay. To commemorate is to put it in your heart kung ano yung challenges, iyong hamon.”
Ito ang mensahe ng paghanga ni Ben BITAG Tulfo sa katatagan ng mga Taclobanon sa paggunita ng ika-11 anibersaryo ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2024.
Personal na nagtungo sa Tacloban City ang batikang mamamahayag upang makiramay sa mga pamilya at kaanak ng mga biktima ng kalamidad.
“Pag tiningnan mo, ibang-iba na ang Tacloban, maraming challenges ang nangyari sa inyo. Nakita ko iyong katatagan ng mga Taclobanon, mga Waray. Wag nating kalimutan kung ano iyong pinagdaanan natin, para nang sa ganoon, it sticks there. Iyong resiliency, katatagan,” saad ni Ben BITAG.
Mensahe ni Mayor Alfred Romualdez sa kaniyang mga kababayan, may dahilan kung bakit nangyari at nalampasan nila ang trahedya,
“There’s a reason why we survived the storm, we have a purpose in life. And that purpose is to teach the next generation on how to prepare for calamities and everyday challenges,” paliwanag ng alkalde.
“Nung tumama ang Yolanda pinag-aralan ko talaga bakit nangyari yun at nalaman ko 100 years ago tinamaan din tayo ng ganyang kalakas na bagyo. The lesson here really is how to prepare for disasters, calamities, challenges,” ayon pa kay Romuldez.
Binigyang-pugay naman ni Ben BITAG Tulfo si Mayor Romualdez sa kaniyang pangunguna sa pagbangon ng Tacloban.