“Agri traders, read my lips. I’m watching you!” – Ben BITAG Tulfo  

ZAMBOANGA CITY — Hindi pa man nangyayari, nagbabala na si senatorial candidate Ben BITAG Tulfo laban sa pananamantala ng mga trader sa maliliit nating mga  mangingisda at magsasaka ng seaweeds. 

Sa isang press conference, nanawagan si Ben BITAG Tulfo sa mga kapatid niya sa industriya ng media na maging kabahagi ng “watchdog.” Bantayan ang mga kilos at galaw ng mga trader na taga-labas na namimili ng mga seaweeds at huling isda.

Kamakailan, binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Tigtabon Port sa Zamboanga Province. Ito ay para agarang makaabot ang mga ani ng seaweeds at mga huling isda ng mga “islander” sa mainland. 

Sa pakikipagtulungan nina DOTr Sec. Vince Dizon at Agriculture Sec. Frannie Tiu Laurel, titiyakin ng senatorial candidate na maging kabahagi ang kaniyang tanggapan sa Senado at ng BITAG na mapangalagaan ang mga maliliit nating mga  mangingisda at magsasaka ng seaweeds. 

Ayon sa tumatakbong senador, dapat masigasig sa pagbabantay ang mga kapatid niya sa industriya ng media laban sa mga pananamantala, pang-aabuso at panloloko ng mga trader. 

“I will make sure that the fisherfolk will not be abused, exploited, deceived and neglected. This will be part of my legislative agenda. I will not make a promise, I will just do it,” saad ni Ben BITAG Tulfo. 

Anya, huwag natin silang bigyan ng puwang na makapang-abuso, makapanloko. Nakatingin sya sa sektor ng mga mangingisda at magsasaka. 

“When I get to the Senate,  my door is open to the fisherfolk. My eyes are wide open. And there’s no elbow room for the abusers and exploiters,” dagdag pa nito.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!