Ben Bitag Tulfo, Nanguna sa Tangere Senatorial Survey

Nanguna ang kilalang media personality at seasoned journalist na si Ben BITAG Tulfo sa pinakahuling 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey ng Tangere kung saan nakakuha ito ng 53.50%.
 
Dahil sa 1.96 plus and minus margin of error ng naturang survey, statistically tie sa unang pwesto sina Ben Tulfo at nakababatang kapatid nito na si Erwin Tulfo na nakakuha ng 53.33%.
 
Nasa ikatlong pwesto si Bong Go (51.25%) na sinundan ni Vicente Sotto (46.21%), habang tie sa ikalima hanggang ika-anim na pwesto si Bong Revilla Jr. (42.00%) at Pia Cayetano (41.42%).
 
Nasa ikapito hanggang ika-sampung pwesto sina Benhur Abalos (37.13%), Manny Pacquiao (37.00%) at Lito Lapid (36.88%).
 
Nasa ika-pito hanggang ika-labing isang pwesto si Bato Dela Rosa na nakakuha ng 36.54% at ika-sampu hanggang ika labing tatlong pwesto naman si Willie Revillame na may 34.75%.
 
Nasa ika-11 hanggang 14th spot naman sina Ping Lacson (33.33%), Kiko Pangilinan (33.13%) at Bam Aquino IV (32.75%), habang nasa ika-15 hanggang 17 spot si Abby Binay na may 30.42% voter preference.
 
Base sa datos na nakalap ng Tangere, lumitaw na mataas ang voter preference na nakuha ni Ben BITAG Tulfo sa Metro Manila at popular siya sa mga botante na nasa edad 18-25.
 
Isinagawa ang 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey noong Pebrero 10-13 sa 2,400 respondents.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!