Naniniwala ang BITAG na ang pagmamahal at pagrespeto sa magulang ay nagbibigay ng basbas para sa maayos, masagana at mahabang buhay.
Ang sumbong na ito ng isang guro ay tungkol sa kaniyang ex-convict na ama. 28-taong nakulong sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Kinupkop niya ito paglabas ng bilangguan subalit tila pinagsisisihan niya na ito. Ang kaniyang ama, asal- preso pa rin daw at hindi na akma sa pamumuhay ng kaniyang pamilya.
Nang makausap ng BITAG ang ama, tila naghahanap ito ng mahinahong pagkalinga, malalim na pang-unawa’t, unconditional love.
Subalit paano kung ang apektado na ay mismong sarili mong pamilya?
Balikan ang sumbong na ito. Suriing maigi. Intindihin ang sitwasyon ng dalawang panig.