“Walang re-enactment, walang mga aktor” (HANGO SA MGA TOTOONG PANGYAYARI)

DASMARIÑAS, CAVITE — “Walang re-enactment, walang mga aktor”

Ito ang ibinahagi ni Ben BITAG Tulfo sa pagdiriwang ng National Women’s Day ng Dasmariñas, Cavite kaninang umaga. 

Hinggil ito sa mga ginagawa niyang aksyon at pagtulong sa mga lumalapit sa kaniyang action center. 

“Kapag kami tumutulong,  wala kaming re-enactment, walang mga aktor. Hindi kami gumagamit ng aktor.”

Ayon sa senatoriable,sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, lahat ng kaniyang mga sinasabi ay hango sa totoong buhay at mga totoong pangyayari. 

“Mga totoong tao, totoong pangyayari na kinakailangan ng totoong aksyon at toong solusyon,” pagbabahagi ng tumatakbong senador. 

Hinikayat naman ni Ben BITAG Tulfo ang mga kababaihan na nagdurusang tahimik sa kanilang mga tahanan at tanggapan na lumapit sa kaniya at lumantad kung nakakaranas man sila ng anumang uring pang-aabuso.

Suportahan Natin si Sen. Ben Bitag Tulfo Sa Social Media!