QUEZON CITY — Sa pagbubukas ng buwan ng Pebrero, inimbitahan bilang panauhing pandangal ng Lungsod Quezon si Ben BITAG Tulfo sa kanilang flag raising ceremony kaninang umaga, Pebrero, 3.
Ayon sa seasoned broadcast journalist, isang malaking karangalan na makaharap niya ang mga empleyado, opisyal at konseho ng lungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at Mayor Joy Belmonte.
“Ako ay humaharap sa inyo hindi bilang isang senatorial aspirant kundi isang mamamahayag. Ang tungkulin ng mamamahayag ay hanapin ang katotohanan at magsabi ng katotohanan,” saad ni Ben BITAG Tulfo.
“For 22 years in the media, madali kaming lapitan, hanapin at umaksyon. Adbokasiya namin ang tumulong sa mga walang mukha, walang boses at mga mahihina sa lipunan na biktima ng mga pang-aabuso, pananamantala, panloloko at kapabayaan sa gobyerno,” dagdag pa ng sikat na mamamahayag.
Binigyang-diin naman ni Ben BITAG Tulfo na proud siya bilang isang QCitizen. Hindi lamang dahil sa maayos na pamamalakad sa lungsod, kundi pati na rin sa mga iginawad na parangal sa Quezon City ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) bilang Most business friendly City noong taong 2023 at 2024.
“So be proud as a Quezon City Resident. I have been living in Quezon City since 1970 and I am proud to be a citizen of QC. I have been talking with some of the taipans and tycoons and they say the same, they put investment in Quezon City because of the ease of doing business,” paliwanag ni Ben BITAG Tulfo.
Isa rin sa mga highlight sa isinagawang flag raising ceremony, ang paglalatag ng mga accomplished project ng City Engineering at paggawad ng mga award sa mga outstanding employees ng Lungsod Quezon.