December 11, 2024 – Nakiisa si Ben BITAG Tulfo, bilang volunteer-advocate, sa pagsisimula ng Christmas Reach Out ng Non-Government Organization – IpaBitagMo Inc. (NGO-IBMI) katuwang ang Bitag Multimedia Network (BMN).
Sinimulan ito sa mahigit kumulang 130 garbage collectors na una nang natulungan sa programa ng BITAG taong 2024.
Sila ang mga empleyado na noon ay nakaranas ng pang-aabuso at pananamantala ng kanilang kumpanya. Ang laban na ito ay ipinarating ng BITAG hanggang sa Senado. Mismong si Sen. Jinggoy Estrada na nooy Senate Committee Chairman ng Labor, Employment and Human Resources.
Sa kasalukuyan, hindi pa tapos ang laban ng mga palero laban sa kanilang kumpanyang I-SWIMs sa DOLE at sa Senado. Patuloy pa ring nagbabantay si Ben BITAG at ang kaniyang mga programa sa bawat progreso ng kasong ito.
Kaya naman makalipas ang mahigit isang taon, isa sila sa mga napili ng NGO-IBMI sa pakikipag-ugnayan ng BMN at ni Ben BITAG para mapagkalooban ng sako-sakong tig-25 kilo ng bigas.
Abala man si Ben BITAG sa kaniyang mga tungkulin bilang isang executive at journalist — ang adbokasiyang ito mula noon hanggang ngayon ay kailanman hindi niya makakalimutan, hindi niya iiwan.
Magkakatuwang na nakatuon si Ben BITAG, NGO-IBMI at BMN sa mga adbokasiyang tulad nito sa anumang panahon at pagkakataon, Pasko man o hindi.
Sa lahat ng biktima ng panga-abuso, pananamantala, pagpapabaya at panloloko, mananatiling mata at tainga ng taumbayan si Ben BITAG at kaniyang mga programa sa telebisyon at digital platforms.
Sa BITAG, Ilalaban ka, ‘di ka iiwan!