Nakipagmatigasan ang isang dual citizen na isang resort owner kay Ben BITAG. Nagpatayo ito ng kung anu-ano nang walang mga kaukulang permit mula sa Munisipyo’t Barangay.
Isa pang problema, hindi pa sa kaniya ang property at nananatiling pampublikong lugar. Inisyuhan na siya ng violation notice ng mismong Munisipyo – pero kumakasa.
Mula Bohol, hinarap niya si BITAG sa tanggapan nito. Sinubukang isahan si BITAG at maging si Atty. Batas na lusutan ang kaniyang gusot.
Subalit sa huli, ‘di nanaig ang kaniyang katigasan ng ulo!